Monday, May 5, 2008

WRITTEN FROM THE HEART

I want to share with all of you a wonderful poem written by a friend. If only every child in the world would express his undying love, admiration, respect, and appreciation for his/her mother, no mother would ever feel unwanted, unappreciated and unloved. The poem is in Tagalog. I thought of translating it in English and post both the Tagalog and English version, but I knew I won't be able to make justice to the purity of emotions in the poem as expressed in the vernacular.

TO ALL MOTHERS IN THE WORLD....A BLESSED AND HAPPY MOTHER'S DAY!!!


Aking Ina
T.R.Ladran*

Laging sumasagi sa alaala
Kamusta na kaya ang aking ina
Walang araw na di naiisip
Kasama minsan kahit panaginip

Buong buo sa gunita
Ang dinaanan kong lupa
Mabato, maputik
kung minsan ay may tinik
Subalit tanong sa sarili
Ang galos ko'y nasa binti
Wala sa paa, wala sa talampakan
at iilan lamang!

Minsan mabilis, minsan ay mabagal
Ang pag-usad ko sa buhay
Ngunit hindi naramdaman
Ang pagod sa paglalakbay
Sapagkat sa mahabang panahon
Sa paglakad at pagtakbo,
ay natutulog, nahihimlay
Nakapasan sa likod ni inay!

Minsan nababasa sa malakas na ulan,
Minsan naluluto sa init ng araw,
Minsan nagugutom, nauuhaw
Ngunit ni minsan ay hindi umangal.
Malapit na! Malapit na! ang laging sambit
Tiis pa! Tiis pa! Namumutawi sa labi
Darating na tayo sa pahingahan
At duon hindi na mahihirapan!

Ngayon napagtanto, at nandito na
Kaya pala ang galos ay nasa binti lamang
at wala sa paa o talampakan
Ay pagkat hindi ako lumakad at laging nakapasan

Nakita ko ang luha sa mata ng ina
Dala ng gutom, pagod at uhaw
Dala ng sakit ng katawan!
Ngunit may ngiti pa rin, pagkat kami'y nandito na.

Sa king pagbaba sa pagkakapasan,
Sa king mga mata naman bumalong ang luha,
Nakita ko ang paa ng aking ina,
Wala ng mapaglagyan ang galos at sugat.
At ang balat ng katawan,
parang tuyot na palayan,
Tayo'y nandito na sambit pa rin niya
Sa wakas! Makapagpapahinga na.

Ngayon ako'y malakas, sa isip itinatak
Hindi na muling hahayaan maglakad ng nakayapak
Ipananalangin sa Diyos ang buhay na may galak
Para sa king ina na sa akin ay naghirap.

Ngayon ako'y malakas, ako naman ang bubuhat
Sa aking ina habang ako'y nabubuhay.
Hindi hahayaang muli syang masugatan
Kahit ang kapalit ay maging buhay ko man.


*This poem is posted with the permission of the poet*

No comments: