Saturday, April 11, 2009

Bakit Ba Ganyan Ang Buhay?

Bakit ba ganyan ang buhay
Minsan salat at mahirap
Bakit ang iba ay napakayaman
Kinuhang lahat ang kapalaran

Meron din namang nasa katamtaman
Sapat sapat lang sa pangangailangan
Pagkain sa oras sa hapag kainan
Laking pasasalamat, sa puso ay tapat

Bakit kaya pangarap ng karamihan
Rangya at yaman, ginto at pilak
Palasio, kotse na itim na Cadillac
Maraming alalay na matatawag

Sa aking kalagayan ako ay masaya
Hindi ako mayaman, hindi ako mahirap
Sa pangmundong yaman ako ay salat
Pero sa pag-ibig punong-puno sa galak

Meron lang isang bagay na gustong makamtan
Araw-araw dalangin sa Diyos Maykapal
Huwag pabayaan ang mga anak na mahal
Huwag malihis o maligaw sa mahabang landas

Sana’y makatagpo ng mga magmamahal
Na ang puso ay busilak, tapat sa sumpaan
Sa harap ng altar, hanggang sa pumanaw
Tapat at wagas sa pamilyang minamahal.